The Twilight Of The Gods

Entries for March, 2005

March 11th, 2005

Finals

Posted by Nerva at 08:40 PM on March 11, 2005.

Spiffing and awesome! Totally made my day. I got 36/50 for Linear Algebra, and my Calculus went very nicely. I do think I would graduate succesfully, too.
Currently reading: RDoD 12: Invocation to the Demon King
Currently watching: Extra Challenge
Currently feeling: accomplished

wAnNa UsE mAgIc?

March 21st, 2005

Funny!

Posted by Nerva at 11:37 AM on March 21, 2005.

Tinopak ako kanina nung naisipan kong pumunta sa Mall. Wala akong masuot na matino, saka nagsasawa na kasi ako sa kaka-suot ng clamdigger pants. So ang ginawa ko, pinuslit ko yung isang polo nung pinsan ko, saka hinalukay ko sa bodega yung kaisa-isang pares ng elephant jeans ko.

Ba, ayos ang get up ko ngayon. Pero medyo mahaba ang buhok ko kaya nagsuot ako ng cap. Tapos saka ako dumerecho sa Festival. Naglakad-lakad ako tapos kong bumili ng isa na namang libro (The Book of Dead Days) sa national.

Napagod ako kakalakad, so umupo ako dun sa bench. Nagulat ako nung may tumabi saking babae, nagpakilala (di ko na sasabihin name niya, hehehe) tapos nakipagkwentuhan. Natawa ako nung hiningi cell number ko. Sabi ko wala. Tapos tinanggal ko yung cap ko.

"Ay! Babae ka pala?!"

Wow. Flattered ako. Gwapo pala ako. Wahahahaha.

Currently listening to: Mata by Mojofly
Currently reading: The Children of Odin by Padraic Colum
Currently feeling: pleased

4 cASt tHeIr sPeLL...

March 25th, 2005

Lakas Tama

Posted by Nerva at 08:32 PM on March 25, 2005.

LAKAS TAMA
By: Siakol

Bulag ang pag-ibig kasabihan na sa aatin
Ngunit para sa 'yo ang pag-ibig ko ay duling
Pagka't dalawang beses ako sa 'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating sa puso't damdamin


Sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa 'yo
Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato
Dahil alam ko ring walang ibubunga ito
Natatakot akong mawawala ang isang katulad mo


Chorus:
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta
Lakas tama, ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko 'pag nakikita ka, sinta


Mga kamay ko ay naginginig na sa iyo
Na makayakap ka sa tuwin giniginaw ako
At ang iyong labi na sa akin ay tumutukso
Kailan mahahagkan nang matapos na ang gulo


Sa pagputi ng uwak mo ako sasagutin
Kung ang kulay ko nga ay kayhirap paputiin
Ipagpatawad mo na lamang kung agad kang mahalin
Gan'to ako kung umibig medyo napapraning


Repeat Chorus (3x):

Currently watching: Finding Nemo
Currently feeling: thoughtful

wAnNa UsE mAgIc?

March 31st, 2005

Retreat? Retreat!

Posted by Nerva at 07:25 PM on March 31, 2005.

Bukas naka set ang schedule para sa school spiritual retreat para sa mga seniors. Halos lahat sa 140 students ng graduating batch ng Munsci e sasama. Pwera ako. Kasama ako sa mga estudyanteng hindi sasama. Lahat ng mga kaklase ko pati adviser e sinubukang kumbinsihin ako kanina, pero talagang ayoko sumama. Eto yung mga rason ko:

- Sa school lang ang retreat. Ang korni.

- Sana, yung 700 na para sa Grad Ball, ginawa na lang para sa retreat, para naman maganda yung venue. Out of town.

- Ano ang mapapala ko sa retreat na iyon?

- Ayokong makipaghagulhulan sa mga kaklase ko.

Sabi nila, mababa daw ang mga argumento ko. Pero wala silang magagawa. Ayokong sumama. Bakit ba? Sabi nga nila, 'once in a lifetime' lang daw. Pero ayoko. Buhay ko 'to, walang pakialamanan.
Currently listening to: Alumni Homecoming by Parokya ni Edgar
Currently feeling: indifferent

3 cASt tHeIr sPeLL...