- Huwag umabsent kapag may Calculus. Bale, 5 araw kang may Calculus, kaya wag ka na ring umabsent.
- Hatiin ng mabuti sa tatlo ang notebook. Mahirap kapag hindi sakto sa "trisection point" ang notebook dahil kakapusin ito.
- Huwag tatakas kapag sa araw na iyon ay Cleaner ka. May multa kang 50 pesos kinaumagahan.
- Huwag magbabasa ng Wheel Of Time bago mag quiz. Baka ang mailagay mong pangalan ay Matrim Cauthon, Rand al'Thor, Perrin Aybara o Moiraine Damodred. Lagot ka sa guro mo, hindi lang kaltok aabutin mo.
- Muli, wag dudungaw sa mga kuwartong may kurtinang itim.
-
GIRLS ONLY Laging magdala ng "kuwan" sa bag.
-
BOYS ONLY Laging i-check ang mga zipper at siguraduhing may suot na boxer shorts.
- Huwag aasa sa mga kaklaseng hito pagdating sa paggawa ng IP. Kadalasan, ang mga hito, puro
bula lang ang kayang palabasin.
- Huwag magdala ng maraming gamit. Most of the time, sa 13 subjects, 3 subject lamang ang magkaklase.
- Laging magdala ng 16 pesos. (5 pesos=tricycle. 5 pesos=jeepney. 6 pesos=tricycle.)
- Huwag kalimutan ang refill pack ng G-Tec .03
- Laging maghanda ng "2 clean sheets of paper" tuwing Calculus.
- Huwag papasok sa Sci Lab kapag amoy burak ito. Tiyak na may gumagawa ng suka sa loob.
- Masarap ang chocolate flavored na jelly stick.
- Mag-ingat sa pagbili ng hamburger. Hindi mo alam kung saan humahawak ang nagluluto nito.
- Huwag bibili ng mga "matutusok" na yema.
- Mas praktikal kung bibili ka ng 6 pcs. hopia.
- Huwag titingin kung saan-saan kapag bumababa sa hagdan.
- Ayos lang maglakad sa campus ng naka-tsinelas. Presko pa sa paa.
- Kung gusto mong pumasa sa Physics, Advanced Chemistry at Research II, humanda kang makipag-digma sa isang higanteng hito.
Currently listening to: Nobody's Listening by Linkin Park
Currently reading: The Fires of Heaven
Currently feeling: bouncy