Excited na ko...erhm...talaga?
Posted by Nerva at 07:20 PM on August 2, 2004 as a favorite post.
Pero 2 oras na kong walang tigil kaka review....siguro naman pwede akong magpahinga, diba?
Maganda yung mga reviewer na binili ng papa saka mama ko para sa 'kin. Effective yung yellow book ni Arellano V. Busto at yung MSA Quick Math Review na tig 180 php. Nakakatuwang mag review ng mga past lessons-----lessons mula first hanggang third year. Nakaka refresh ng utak at stock knowledge. Dumadaloy na uli yung mantika ng utak ko. Hee.
UPCAT na sa Saturday. Hindi ko alam kung bakit, pero excited na kong magtest at bumalik uli sa malawak na Diliman Campus. Feeling at home na kaya?
Haha. Ayoko munang umasa...baka ma disappoint lang ako.
Maya-maya balik aral ako...dere-derecho na to hanggang Friday. Buti nga naawa yung school namin, sa Friday half-day lang kami. Anak naman ng Poring...hindi na lang ginawang walang pasok ang 4th year...kuripot talaga, tsk tsk...
Wish ko lang makapasa kami ng mga kaklase ko...hehe...but a part of me...(a very tiny part lang naman) nagsasabi na sana...di ako matanggap sa Diliman; sa Baguio campus na lang. Malalim yung dahilan....di ko na ilalagay dito.
Dumadagundong na music ng Nickelback, Evanescence at Linkin Park ang kasama ko pag ganitong seryosong review ang ginagawa ko. Mas maingay, mas malinaw utak ko. (Hee. Baliktad talaga utak ni Nerva! Masanay na kayo!
)Hrm...anyway...back to aral na ko!
