The Twilight Of The Gods

Entries for July, 2004

July 3rd, 2004

C-A-T #2

Posted by Nerva at 05:45 PM on July 3, 2004.

Pinasok ko ang tanggapan ng Swordsmen Association of Midgard na bahagyang kabado. Simple lang yung tanggapan---dalawa lang ang tao at pareho pa silang Knight.

Sinabi ko ang pakay ko. Binigyan nila ako ng Application Form. Sabi fill-upan ko daw at dumeretso na daw ako sa courtyard. Ginawa ko ang inutos sa akin.

Malawak yung courtyard. Kasing laki yata ng isang buong track oval. Dumeretso ako kung saan maraming tao. Nakita ko ang mga aplikanteng gaya ko na pawang nag-eehersisyo silang lahat.

May Knight na nakakita sa aking nakatayo lang at walang ginagawa. Nilapitan niya ako.

"Newbie?"

"Opo."

"Tara't mag warm-up ka. Stretching, twisting----yung mga ganoon. Magsimula ka na't sumabay."

"Ano po ba'ng gagawin pagkatapos?"

"Malalaman mo rin."

Tumango yung Knight. Sumali ako sa nga kagaya kong baguhan. Mababait naman sila at tinuro sa'kin ang gagawin. Nag-unat, umikot at pumihit din akong gaya nila.

Saka dumating ang isa pang Knight, ngunit babae siya. May pito na nakabitin sa leeg niya. Maganda siya, kulay tsokolate ang buhok niyang bumabagsak hanggang sa kanyang balikat. Nginitian niya kami.

"Ang ngalan ko'y Recia." wika niya. "Ngayong napakag warm-up na kayo ay handa na kayo para sa Elimination."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Recia. Ano kayang elimination iyon? Tinaas niya ang pito sa kanyang mga labi at hinipan ito ng sobrang lakas.

Nagulat ako nang nagsidapaan lahat sa lupa ang mga katabi ko. Napagaya na lang din ako sa kanila at itinapon ang sarili ko sa lupa.
Currently feeling: lethargic

wAnNa UsE mAgIc?

OMFG!!!

Posted by Nerva at 06:01 PM on July 3, 2004 as a favorite post.




What Is Your Best Sexual Skill?
Name:
Age:
Sex:
Sexuality:
Flirting Skill Level - 43%
Kissing Skill Level - 93%
Cudding Skill Level - 60%
Sex Skill Level - 92%
Why They Love You You know exactly what they want.
Why They Hate You You kiss better than them.
This Quiz by http://www.kwiz.biz/userprofile.php?userid=4711'>lady_wintermoon - Taken 141501 Times.
New - Kwiz.Biz Astrology and Horoscopes

Currently listening to: Kagami No Naka
Currently reading: Eragon
Currently feeling: shocked

9 cASt tHeIr sPeLL...

July 6th, 2004

C-A-T #3

Posted by Nerva at 06:41 PM on July 6, 2004.

Push-ups. Three hundred counts, up-down, up-down. Masakit sa braso. Nakakanginig ng laman. Nakakapagod.

Hindi ko alam kung nakaya ko o hindi. Basta ang natatandaan ko, matapos ng ilang ulit na pagtaas-babae naramdaman kong bumagsak ang katawan ko. Nabulag na ata ako; wala akong makita kundi itim.

Walang nakapaghanda sa 'kin para dito. Sa Geffen, walang panahon ang mga tao sa ehersisyo. Lahat sila ay abala sa mga aklat at pormula. Kung may mga nagsasaka man o gumagawa ng mabibigat na gawain, lahat iyon ginagamitan ng mahika.

Wala akong hika, pero nagkaroon yata ako noong araw na iyon. Wala akong makita at hirap akong huminga; para akong naghihingalo.

Iho...

Teka...may tumatawag sa 'kin...

Iho, kaya mo pa ba?

Saglit lang po!

Iho...?

Opo!

Naiangat ko ang ulo ko. Kumurap-kurap ako sa biglaang pasok ng liwanag sa mga mata ko. Nakita ko si Ms. Recia at ang mga kasama ko, lahat sila nakatingin sa 'kin.

Pinilit kong umupo. May nag-abot sa akin ng salamin ko at agad ko itong sinuot. Binigyan ako ni Ms. Recia ng isang basong tubig. Nainom ko ito sa isang lunok lamang.

"Ayos ka na?" tanong ni Ms. Recia.

Tumango ako. Hindi ako makasagot. Hanggang ngayon hirap pa rin akong huminga. Tinawag ni Recia yung kasama niyang Knight na lalaki. Nilapitan niya ako at dinala sa may puno, kung saan pinainom uli ako ng tubig. Maya-maya lang kumalma na rin ang paghinga ko.

"Taga-saan ka, iho?" tanong ng lalaki. "Hindi ka taga-Izlude, ano? Walang Izludian ang hindi umaabot ng 300 counts; konti pa nga iyon."

"Taga-Geffen po ako." sagot ko.

Nakita kong tumaas ang kilay nung lalaki. Hinimas-jimas niya ang baba niya. "Hmm...kaya pala."

"Ang ngalan ko'y Theodoric." sabi sa 'kin. "Sigurado ka bang gusto mong maging Swordsman? Isang beses lang kitang bibigyan ng pagpipilian."

Niyapos ko ang aking mga tuhod at pinanood yung mga iba pang aplikante na nag-ja-jumping jack. Wala na naman akong mapupuntahan pa e...

"Kakayanin ko na lang po." wika ko.

"Sigurado ka?"

"Opo."

Panabalik na ko ni Theodoric sa hanay. Lalong nanakit ang katawan ko sa mga sunod na pinagawa sa'min.
Currently feeling: dorky

5 cASt tHeIr sPeLL...

July 16th, 2004

Nerva al'Thor: BARD...WTF?!?

Posted by Nerva at 07:48 PM on July 16, 2004.

The month of July always had the Nutrition Month title in its pocket. And for the last 3 godforsaken years...our school (which I dunno why, OH WHY) has focused on a single theme:

Breastfeeding.

Preposterous. And we're supposed to make a jingle out of it. And one of my classmates said,

"Don't they ever get tired of this stupid theme?"

Which is right put whichever way I look at it. Thirty minutes ago we went to Tin's house and tried to make a jingle....my poetic side got the better of me and I ended up writing most of the ridiculous (and not to mention GREEN) lyrics.

Well, what do you expect, with a theme as stupid as this?!

Argh.
Currently listening to: Broken by Seether and Amy Lee
Currently reading: The Wish List
Currently feeling: annoyed

4 cASt tHeIr sPeLL...

Kiss Me...and DIE.

Posted by Nerva at 07:53 PM on July 16, 2004.

You're a Violent Kisser...
Kiss?! You'll kill the one who even thinks of
kissing you! The only physical contact you have
is when you're beating someone up!


What anime kiss are you?
brought to you by Quizilla


It fits Nerva completely.
Currently feeling: nothing

wAnNa UsE mAgIc?

July 17th, 2004

C-A-T #4

Posted by Nerva at 04:09 PM on July 17, 2004.

Push-up. Matapos no'n, ang katakot-takot na Trunk Lift. Naiangat ko siguro ang kalahati ng katawan ko mga 5 inches short doon sa 2 feet requirement. Sumunod dito ang nakakagimbal na Partial Curl-ups. Dito lang siguro ako nagkaroon ng achievement; kahit paano naka 25 curl-ups ako.

Sad to say, hindi pa doon natapos yung kahindik-hindik na Elimination Test. Madami pang pinagawa sa amin. Hindi ko na babanggitin, pero ito lang ang masasabi ko. Pagkatapos ng araw na 'yon, nanigas ako at hindi nakagalaw uli sa loob ng mahabang oras.

Sumunod doon----nasa kuwarto na ako at nakadapa, hindi pa rin makagalaw dahil sa sobrang pagod. Nakapasa naman ako. Swordsman trainee na ako ngayon, at ang bago kong uniporme ay nandun sa may upuan, naghihintay para bukas.

Nag-aalinlangan ako nung mga panahong iyon. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ang pagpasok ko sa Swordsmanship. May maliit na bahagi sa utak ko na nagsasabi na dapat nanatili na lang akong Novice habangbuhay.

Di ko napansin na nakatulog na pala ako.





Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw sa aking mukha. Umupo ako at nagpungas-pungas. Hanggang ngayon ay nananakit pa rin ang aking mga braso't binti.

Kinailangang lumampas ng limang minuto bago ko naalala kung nassan ako.

Kumakabog ang puso kong napatalon ako at sumilip sa bintana. Ayun ang mga kasama ko, humahanay na sa labas. Anak ng Poring! First Training Day pala namin ngayon!

Hindi na ako naligo. Karipas kong sinuot ang bago kong uniporme----hindi ko na naayos karamihan sa mga poleyns, cuisse at armor ko. Madulas-dulas na 'ko habang tumatakbo palabas ng barracks. Hindi na 'ko dumaan ng Mess Hall para kumain ng agahan.

Hayun sila, nakahanay. Ang mga lalaki naka-armor at ang mga babae naka-palda pero naka breastplate pa rin. Walang tumitingin sa akin habang tumatakbo ako palapit.

Walang officer. Nakahinga ako ng maluwag. Napangiti pa nga ako. Tumayo ako ng matuwid at sasali na sana sa hanay nang biglang may humablot sa kaliwang tainga ko.

"AWWW!" napasigaw ako nang pihitin paikot ang tainga ko. "Aray! Aray----!"

Sinikap kong tignan kung sino ang gumawa noon sa 'kin. Napa-singhap ako. Nahuli ako ng officer, si Sir Perry, Battalion Commander at Crusader.

"Cadet Private Delacroix, alam mo ba kung anong oras dapat gumigising ang isang Swordsman Trainee na kagaya mo?!" matalim na wika ng matangkad na Crusader na si Sir Perry habang lalo pang pinihit ang tainga ko.

Hindi ako makasagot dahil sa sakit. Inikot pa niyang lalo. Maya-maya pa naramdaman kong tumulo ang luha ko.

"TINATANONG KITA, DELACROIX!" singhal ni Sir Perry. "ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS DAPAT GUMIGISING ANG MGA KAGAYA MONG TRAINEE?!?!"

"Opo!" napapaiyak kong sagot. "Opo, alam ko po!"

Tinulak niya ako at napasalubsob ako sa lupa.

"Three military counts, SQUAT, Delacroix! COMMENCE!"
Currently feeling: shocked

2 cASt tHeIr sPeLL...

July 24th, 2004

My Day Approaches

Posted by Nerva at 08:53 AM on July 24, 2004 as a favorite post.

This Friday, July 30, I will be one year older. I will no longer be fifteen, but sixteen years of age.

I have learned so many things...and lost many others too.

Pero... *eherm* bago ako maging senti...enumerate ko muna ang mga masasayang natutunan ko.


NERVA'S LESSONS FROM THE MAGIC ACADEMY AND ARCANE TOWER Pt. 1 (School Stuff)

1. Matutong magpasalamat sa mga taong "matalino" at "matalinaw"

2. Kung kayang gawin ang assignment, gawin mo ito, pero kung hindi, meron namang cooperative learning sa classroom.

3. Huwag sisilip sa mga kuwartong may kurtinang itim.

4. Magkaiba ang meaning ng "accuracy" at "precision"

5. Mahirap intindihin ang Gravimetric Analysis

6. Mahirap magdeliver ng valedictory address kapag may sipon ka. Rining ng buong school ang pagsinghot mo at nakakadiri yon.

7. Sa recitation, lahat ng estudyante takot titigan ang teacher sa mata.

8. Kapag si mam/sir ay pumasok ng malungkot, magbunyi kayo. Kapag pumasok siya ng masaya, matakot kayo.

9. Ang surprise quizzes ay nagreresulta sa surprising grades.

10. Dapat alam mo kung sino si Ulam, si Lucas at si Fibonacci.

12. Malakas ang kapangyarihan ng mga pari na magpaiyak ng dalawang buong section sa loob lang ng 3 oras.

13. Sa CAT, masama ang umiikot patalikod ng "malandi"

14. Sa mga test, ang mga minemorize mong formula kadalasan hindi naman nagagamit

15. Masarap sumama sa top ten dahil "special child" ka at laging advanced

16. Mahirap maging Literary Editor ng school paper, lalo na kapag ang members mo mas mabagal pa sa kuhol kung kumilos.

17. Hindi bagay sa babae ang mag gel ng sangkatutak sa buhok.

18. Kapag nagdilim ang paningin, huwag kang tatayo sa upuan. Baka makapatay ka ng tao.

19. Huwag sabihing birthday mo sa mga kaklase dahil magpapalibre silang lahat, pero okay lang sabihin sa teacher dahil exempted ka sa quiz.

20. Huwag magdadala ng kahit ano kapag tinawag sa stage. Baka masinghalan ka ng principal.


>>> and more to come.
Currently listening to: My Happy Ending by Avril Lavigne
Currently reading: Rose Red by Joyce Reardon
Currently feeling: amused

9 cASt tHeIr sPeLL...

July 25th, 2004

Kanta Tayo!!!

Posted by Nerva at 02:56 PM on July 25, 2004.

Sing to the tune of: Kapag Tumibok ang Puso

Ngayon inyo nang maririnig
Mga awit ng Pasteur na kay lupit
Tungkol sa nutrisyon ang pahiwatig
Kasama rin ang breastfeeding
Sana'y makinig kahit saglit
Para ang lahat ay iwas sakit
Upang malusog na katawan makamit


**Kapag kumulo ang tiyan mo
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag dinedma ng todo
Hala ka, siguradong ulcer yan!




=======

Your love, dear man, is as lovely to me
As sweet soothing oil to the limbs of the restless,
As clean as ritual robes to the flesh of gods,
As fragrance of incense to one coming home
hot from the smells of the street.

It is like nipple-berries ripe in the hand,
like the tang of grainmeal mingled with beer,
Like wine to the palate when taken with wine bread.

While unhurried days come and go,
Let us turn to each other in quiet affection,
walk in peace to the edge of old age.
And I shall be with you each unhurried day,
A woman given her one wish; to see
For lifetime the face of her lord.

-- Your LOve Dear Man, Is As Lovely To me
translated by John. Foster
Currently listening to: Broken by Seether and Amy Lee
Currently reading: Eragon
Currently feeling: artistic

2 cASt tHeIr sPeLL...

July 29th, 2004

Lingguhang Awtput #4 (Tula)

Posted by Nerva at 06:51 PM on July 29, 2004 as a favorite post.

Activity namin to kanina sa Filipino subject, within 30 minutes dapat tapos na or else considered ZERO ka sa quiz. Wala lang. Naisip ko lang na i-share.


Buhay Ka Ba?

Bakit ang tao, laging nagrereklamo?
Hindi ba niya maisip o mapagtanto,
Na ang buhay niya'y makulay dito sa mundo,
At siya mismo ay higit pa sa ginto?

Paano mo makikita ang maganda,
Kailangan munang pangit ay makita;
Paano mo malalasap ang ligaya,
Kung sa lumbay, hindi ka dumaan muna?

Hindi mo madama ang tulo ng dugo
Kung sugat ay hindi ka makatatamo;
Sakit ay natural, kaibigan ko,
Dahil tayo'y may kaluluwa at puso.

Magpasalamat - ika'y nakadarama
Hindi ka katulad sa lumang kaserola;
Na di madama unti-unting pagkasira,
Dahil sa kalawang na nananagana.
Currently listening to: Iris by Goo Goo Dolls
Currently reading: RDoD
Currently feeling: happy

4 cASt tHeIr sPeLL...

July 30th, 2004

w00t!

Posted by Nerva at 08:46 PM on July 30, 2004 as a favorite post.

We won second place! IV-Pythagoras ang galing!

Haha, about my b-day celebration....nag blowout ako sa North Park Noodles! Hahahaha! Busog kami lahat!

Medyo may tama na ko...naparami yata inom ko ng rootbeer....
Currently listening to: You Remind Me by Nickelback
Currently reading: Eragon
Currently feeling: drunk

4 cASt tHeIr sPeLL...

July 31st, 2004

Teh Visit To Morroc

Posted by Nerva at 09:01 PM on July 31, 2004.

Nerva, along with nine other companions (five Sages and four Wizards) went to Morroc, hoping to find the building for the Professor and High Wizard Job Change Tests.

Armed with umbrellas and bags, the ten arcana set out under the furious glare of the sun...until...




"AMF KAYONG LAHAT! AKO SI BLUE GREEN RANGER!" sigaw ni Sage Wheng.

Tawanan ang barkada. Kanina pa kasi sila napapraning kakahanap sa Palma Hall, NIGS at Math Bldg. Nilakad lang nila ang Morroc at masakit na mga binti nila.

"Guys, kain muna tayo pls." daing ni Wizard Karen M.

"Dun tayo sa point-point!" singit ni Sage Regie.

Patuloy silang naglakad at inikot ang buong UP Diliman campus. Naka 3 sakay sila ng jeep, at hapon na ng sila'y nakauwi. Pero di pa sila nakuntento. Dumaan sila pagkatapos sa Festival Mall of Geffen at naglakwatsa.

Pagbalik sa Arcane Tower, sinabon tuloy sila.


Moral of the story: Wag lakarin ang UP Diliman campus.
Currently listening to: Behind Blue Eyes by Limp Bizkit
Currently reading: RDoD
Currently feeling: crazy

5 cASt tHeIr sPeLL...